Kikiam, gulaman, at mga pagbabago sa buhay

body { background: #fff; margin: 0px; padding: 4px; font-family: Arial, sans-serif; font-size: 13px; height: auto; width: auto; } Hindi pa rin tumitila ang ulan kanina, kahit na basang-basa na ako dahil pinilit kong mag bisikleta mula Vinzons hall hanggang Shopping Center nang medyo malakas pa ang “ambon”, idagdag mo pa ang hangin na syang pumepwersa sa mga puno ng Acacia na ilaglag ang mga patak ng tubing na syang naipon sa mga dahon nila.

Kinuha ko ang aking bagong ayos na payong mula sa sapatero. Dahil may ulan pa rin, naisipan kong bumili muna ng pagkain mula sa streetfood stand ng UP Coop (hindi sya fishbolan kasi walang fishbols dun). Hindi man lang ako nag-isip, binanggit ko agad ang mga katagang, “kikiam at saka gulaman”. Siguro ay instinct ko na ito, dahil mula pa nung highschool ay ito na ang gawain ko bago umuwi ng bahay. Yun ay kung hindi ako pumapapak ng isaw manok at baboy sa may Ilang-ilang.

Hindi pa rin nagbabago ang presyo ng kikiam-gulaman combo. 15 pesos pa rin sa loob ng walong taong nagdaan. Pero pansin ko na yung dating purplish-red liquid na may pink and green gulaman ay murky brown na ngayon, at kulay puti na yung gulaman. Nabawasan na rin yung tingkad ng sarsa ng kikiam.

Ano pa ba ang nagbago sakin sa loob ngĀ  walong taon?

Ako’y mag-aaral pa rin, bagama’t natapos ko na ang highschool at gumugol ng halos tatlong taon sa chemical engineering. God-willing ay matatapos na ako sa pag-aaral ngayong Oktubre, at makakahanap ng trabahong angkop sa aking pinag-aralan o kakayahan.

Sa loob ng mga taon ay iba’t ibang klase na ng trabaho ang aking napag-daanan. Sa ngayon, ako’y nagtuturo ng chem sa mga empleyado ng isang kumpanyang nagbebenta ng kemikal na pang-pagkain at pang-industrya. Nagtuturo rin ako ng mgaasignaturang pang elementarya at highschool.

Sa kasalukuyan, hanggang matapos ang ika-pitong buwan ay nasa isang ugnayan ulit ako upang timbangin at malaman kung ang ugnayan na ito ba ay lalaban o babawi.

Sa di malayong hinaharap ay maaaring magbago pa nang tuluyan ang iba’t ibang aspeto ng aking buhay…

Baka tumaas na rin ang presyo ng kikiam at ng gulaman…

Buti na lang ang Diyos hindi nagbabago…

Buti na lang…

Leave a Reply