Pira-pirasong Utak

//kasalukuyang nakikinig (nilulunod ang sarila) sa: “I Surrender All” ni Clay Crosse, musika ng Across the Sky, Inter-Varsity Urbana 2006, at iba pa…

kasalukuyang naglalaro ng: travian ph1 server //

Sa ikalawang pagkakataon ay tumutugtog na naman (ng starstruck dance music, brother louielouielouie, like a virgin, at kung anu-ano pang napulot sa perya) ang pagka-lakas-lakas na speakers ng kabilang gusali. Ito ay nakadagdag sa pagkaka watak-watak ng aking pagiisip, dahil sa dami ng dapat gawin, gustong gawin, dapat isipin, di dapat ispin, at… you get the point…

Dahil sa mga pangyayaring ito, ako ay napilitang lunurin ang aking sarili sa musika, gamit ang 2nd-hand, cdrking-refurbished sennheiser headphones. Kasunod nito ang panalangin para sa peace of mind at concentration. Ayan, may epekto na. Pwede na ko magsulat upang makalma ang aking sarili.

(piraso #1)   Ilang linggo ko nang hindi nasusundan ang aking quiet time series. Nalaman ko kasi na hindi madali magsulat ng reflections araw-araw. Gayumpaman, patuloy pa rin akong magsusulat upang maitaas ang Pangalan ng aking Panginoon.

(piraso #2)       Natagpuan ko ilang pulgada mula sa ilalim ng aking kamay ang isang lumang litrato noong mahaba pa ang aking buhok. Kinuhan ko ito gamit ang aking webcam:

pizza hut bistro gateway, cubao. SVCFers: Noel, Rachel, k.Matt, Migs, a.Hannah, Hazel, LA, Benj

pizza hut bistro gateway, cubao. SVCFers: Noel, Rachel, k.Matt, Migs, a.Hannah, Hazel, LA, Benj

Nasaan na nga ba ang mga taong ito? Nakakamiss… ika nga eh, “those were the days….”

(piraso #3)     Kasalukuyan akong nagbabasa tungkol sa fiber at citrus upang may mailagay pang makabuluhan sa aking thesis proposal/hypotheis.

(piraso #4)    Kasalukuyan ding nag iisip kung paano sisimulang ang 2nd report sa fs137 lab.

(piraso #5)    Gustong magbasa ng Bible at magdasal ngunit nasasayangan sa oras.

(piraso #6)    Iniisip ang lahat ng pagpupulong na magaganap bukas kasama ang mga kapwa nga-aaral mula sa iba’t ibang asignatura.

(piraso #7)    Gustong matulog at ipagpabukas na lang ang #1-#6.

hmm, mukhang dapat isa-isahin ko ang mga ito nag isa-isa rin silang matapos. siyempre, mauuna ang pagbabasa at pagdarasal…

hanggang sa muli…

2 Responses to “Pira-pirasong Utak”

  1. janna Says:

    mukhang antok ka na nga nung nagsulat ka. ang daming typo eh. sana makapagpahinga ka. lapit na xmas break.

  2. mom Says:

    Hinga ng malalim.matulog sandali at mag-alarm kung kinakailangan.At wag kalimutan na may nagmamahal sa iyo. Mwa(3x)

Leave a Reply