Bente Uno

Yan ang pangalan ng pangkat na dati kong hinawakan sa CWTS

Yan ang bilang ng mga lobong inihampas sa ulo ko

Yan din ang bilang na naka-saad sa lobo

Dahil yan ang bilang ng taong tinagal ko sa mundong ito
—————————————
    Ako’y nagtaka kahapon kung bakit nagkaroon ng Land Cruiser sa labas ng aming bahay. Isang pamilyar na mukha ang aking nasilayan sa bungad ng aming tahanan. Sa ilang sandali, ako’y pinapasok, ang ilaw ay bumukas, at sumalubong sakin ang halos dalawang dosenang tao na pinaghahampas ako ng mga lobo. Nahati ang hilera ng mga tao at aking nasilayan ang aking kasintahang naka-ngiti habang binabati ako ng maligayang kaarawan sa Nihonggo.
—————————————
Masaya ang kinalabasan ng aking ika-21 kaarawan, kahit na ako’y naggaling sa isang pagsusulit, nagpasa ng ulat, nag-ulat, at naulanan.
————————————-
Sa lahat ng bumati, nakalimot, naki-surprise, at kung anu-ano pa, salamat! ^_^

   

Leave a Reply