Archive for October, 2007

Don’t Wanna Miss aThing

Wednesday, October 10th, 2007

GOD’S GRACE PUTS EVERYTHING IN PLACE

I woke up today (thursday) frantically preparing for my 9:15 exam
I arrived in IC 45 minutes before time, and so was looking for the schedule to see where our room was
As it turned out, our exam was scheduled yesterday, at the time when we had our oral report in another subject.
And so, I panicked and texted my classmate:

"xxx! Nagfinals ka ba ng 150 kahapon?"
"bakit, hindi mo alam?"
"Namiss ko sya! Thursday nakalagay sa sa sched ko, 9:15-11:15. Waaah!"
"Haha, swerte ka dahil hindi natuloy! Sa sat na lang daw… may swerte pa palang nananalatay sa dugo mo. hehe. joke"

Well, there you have it. God’s grace is truly immeasurable. It even transcends one’s own stupidity…

What a nice way to start our celebration. of the 6th 11th…

Bente Uno

Wednesday, October 3rd, 2007

Yan ang pangalan ng pangkat na dati kong hinawakan sa CWTS

Yan ang bilang ng mga lobong inihampas sa ulo ko

Yan din ang bilang na naka-saad sa lobo

Dahil yan ang bilang ng taong tinagal ko sa mundong ito
—————————————
    Ako’y nagtaka kahapon kung bakit nagkaroon ng Land Cruiser sa labas ng aming bahay. Isang pamilyar na mukha ang aking nasilayan sa bungad ng aming tahanan. Sa ilang sandali, ako’y pinapasok, ang ilaw ay bumukas, at sumalubong sakin ang halos dalawang dosenang tao na pinaghahampas ako ng mga lobo. Nahati ang hilera ng mga tao at aking nasilayan ang aking kasintahang naka-ngiti habang binabati ako ng maligayang kaarawan sa Nihonggo.
—————————————
Masaya ang kinalabasan ng aking ika-21 kaarawan, kahit na ako’y naggaling sa isang pagsusulit, nagpasa ng ulat, nag-ulat, at naulanan.
————————————-
Sa lahat ng bumati, nakalimot, naki-surprise, at kung anu-ano pa, salamat! ^_^