Manibela

Sa wakas! matapos ang tatlong araw na nawalan kami ng telepono ay may internet nang muli!
As of kahapon, ako ay may sinat, dry cough, clogged and runny nose, at extra sensitivity sa dust. Haay, what a way to start the enrolment.

Nagmamaneho ako nung isang araw, at trapik sa EDSA, sobrang tagal na naming naka tigil sa usad-pagong na daanan. Sa sobrang tagal akala ko mag-ooverrheat na ang makina.  Salamat na olang sa Panginoon at di nangyari ang ganoon. Sa kalagitnaan ng mga pangyayari, ako’y biglang napaisip:

Gusto ko nang sumuko na lang sa pagmamaneho, ngunit hindi ako pwedeng tumigil hangga’t ako’y makauwi.

Ganyan din pala ang buhay Kristiyano, madalas ay gusto mo nang sumuko sa pagtakbo, kaso wala kang magagawa hangga’t kunin ka na ni Lord. Mabagal man o mabilis ang takbo, sige pa rin. Bwal umurong kundi eh mababangga ka. Hindi lang buhay mo ang hawak mo, ngunit maging ang buhay ng mga pasahero mo. Hindi maaring lumingon nang matagal papalayo sa daan, kundi ay kapahamakan ang maidudulot. At higit sa lahat, mas masaya mag maneho pag may kasama ^_^

doraemon thoughts:
nobita: doraemon, meron ka bang gamit yung mapapasagot ko agad si shizuka?
doraemon: meron
nobita: ah, pahiram ako!
doraemon: ayoko nga!
nobita: ah, ang damot mo! bakit naman?
doraemon: kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gano pa katagal.

la lang…

Leave a Reply