Sa Gitna ng Sigwa
Mahirap gumalaw sa gitna ng sigwa. Tinatangay ng hangin ang buong kapaligiran. Ang mga patak ng ulan, tila nag-sama-sama upang maging baha na siyang rumaragasa’t sinisira ang lahat ng dinadaanan.
Mahirap magsalita sa gitna ng pangyayari, walang oras, maraming nagaganap, patung-patong, parang mga patak na siyang nagiging baha. Paano ka nga naman madadala ng mga patak ng tubig diba?
Mahirap, pero kaya. Lahat ng sigwa ay dumaraan lamang. Kasiraan man ang itinitira paglipas, ito’y may katapusan din…
Eto lang muna sa ngayon, di ko pwede ipaalam lahat ng pangyayari sa aking munting buhay dahil wala kong oras mag-isip. Ang mga masasabi ko lang ay may mga pasanin, mga iniisip, mga pabigat. Keri lang. Mas malaki ata ang Diyos ko sa sigwang ito…
Psalm 121 (New International Version)
Psalm 121
A song of ascents.
1 I lift up my eyes to the hills—
where does my help come from?
2 My help comes from the LORD,
the Maker of heaven and earth.
3 He will not let your foot slip—
he who watches over you will not slumber;
4 indeed, he who watches over Israel
will neither slumber nor sleep.
5 The LORD watches over you—
the LORD is your shade at your right hand;
6 the sun will not harm you by day,
nor the moon by night.
7 The LORD will keep you from all harm—
he will watch over your life;
8 the LORD will watch over your coming and going
both now and forevermore.
—————————————————
Quote for the day:
"You can give without loving, but you cannot love without giving"