Katapusan ng Sigwa
*tagalog topak mode-pi100 hangover*
Ilang linggo na nga ba ang nagdaan?
Ilang oras ng tulog ang nakalig’tan?
Ilang araw ang sumikat nang di napagmamasdan?
Nagwakas na rin ang sigwa.
Ako’y nag-ulat kanina (tungkol sa Kanser ng Lipunan) na may takot at pangamba. Nawala mang bigla ang aking ka-pangkat, batid kong ako’y di nag-iisa pagka’t may mga nagdarasal. Higit sa lahat, kasama ko ang aking Panginoon, na siyang tapat. Ang ulat at pagsusuri ma’y nagkulang, kapayapaan ng isip ay sapat.
Maraaming biyaya ang aking natanggap, ako ma’y di karapat-dapat:
- Umaga na kanina nang aking malaman na bukas na ang aming pagsusulit. Ako’y natuliro ngunit bahagyang nagtiwala sa Kanyang dakilang katapatan. Ilang oras ang nagdaan nang isang liham ang dumating: ang pagsusulit, sa ibang araw na lamang gaganapin.
- Isang kaibigan ang nagyayang mag-sorbetes matapos ang aking pag-uulat. ^_^
- Ang oras na sana sa pag-aaral ay laan (dahil di natuloy ang pagsusulit) , aking nagamit upang tup’din ang katungkulan, makausap ang isang kaibigan, at maikatha ang siyang nasa iyong harapan.