Rappelling at Pagtitiwala
Tuesday, February 27th, 2007Ang pagtitiwala ay parang rappelling:
- Ang jumper ay kinakailangang magtiwala sa kanyang belayer. Kung wala siyang tiwala dito, di sya makakatalon nang maayos, parating may pangamba.
- Ang belayer, bagama’t nakabantay, ay kailangang magtiwala sa jumper, kung hindi ay panay ang hatak niya sa lubid nang di naman kailangan, at di rin makakagalaw ang jumper.
Walang perpekto, parehong maaring magkamali.
Ang Jumper ay maaring:
- makalimutan ang pagsara sa carabiner
- maluwag ang pagkatali sa harness
- baliktad ang pagkakabit sa system
- mabitawan ang tali
- malimutan ang pagsuot ng gwantes
- magkamali ng tantiya
- madulas, mauntog, o mahilo
Ang belayer ay maaring:
- malingat nang sandali sa pagbabantay
- luwagan ang hawak sa tali
- masilaw sa katitingin sa itaas
- kausapin ng katabi
- mataranta
Hindi matatanggal ng pagtitiwala ang posibilidad ng pagkakamali o aksidente. Nunit, di ba mas masaya ang buhay kung alam mong may maaring sumalo sa’yo kapag ika’y nalaglag?
Hambog ang tawag sa jumper na ayaw magpa-belay. Kahit senior instructor nalalaglag din. Marami nang naospital dahil sa lubos na tiwala sa sarili.
Pabaya naman ang tawag sa belayer na kampante sa kanyang hinahawakan. Sila ang madalas nababagsakan ng higit 40-kilo na buto’t balat dahil pa-easy-easy…
———————————————————
sub: 4 Logical Reasons for Secrecy
- The person cannot be entrusted
- The person SHOULD not know about it
- The secret might do more good than harm
- The secret is deemed utterly useless to the person
———————————————————
Thought for the day:
A man was asked, "how can you believe in God when the world has many problems?" The man replied, "With all these problems, how can you possibly make it without God?" ^_^