Si Philip, ang Ikatlong Lihim

*Sinusulat ko ito ngayon dahil baka hindi ako humarap sa PC bukas. Sa loob ng 30 minuto ay Nobyembre 19 na.*

"Eto pala si pao, kapatid ko"

"Magkapatid kayo?! di kayo magkamukha!"(1)

"Oo, pareho kami ng birthday"

"Kambal kayo?!" (2)

"Oo. Actually, tatlo kami"

"Ha? Eh, nasaan yung Isa?"

"Wala na…"(3)
——————————————

Ang dayalogo sa taas ay isa lamang sa mga pangkaraniwang usapan sa pagitan ko at ng aking mga nakikilala. Iyan ang tatlong di pangkaraniwang bagay na may kinalaman sa aking pagkatao. Ipinanganak kaming 3 noong ika-2 ng Oktubre 1986. Tama, 3 kami. Si Paolo, ako, at si Philip.

Si Philip ay ipinanganak na mayroong cleft-lip at hydrocephalus. Dahil dito, matagal syang naiwan sa ospital bago siya iuwi. 47 na araw pa lang siya nang bawian sya ng buhay, sanhi ng hydrocephalus. Sa ilang sandali ay ika-20 anibersaryo na ng kanyang pagkamatay. Di ko tuloy lubos maisip kung ano mangyayari kung nabuhay siya, at buo kaming "triplets" ngayon. Thrice the fun kaya? Thrice the kakulitan? Di ko masasabi…

2 Responses to “Si Philip, ang Ikatlong Lihim”

  1. Eliel Says:

    um.. baka siya yung “missing link” ninyo,
    yung pruweba na kahit paano, may pagkakahawig kayong magkakapatid… :)

  2. Josephine Says:

    :)

Leave a Reply