Ano ang laman ng hinaharap? (sa loob)

*Para sa LCDC updates, mag antay na lang kayo ng ilang araw pa*

Ano ang laman ng hinaharap?

Sa loob ng isang oras, malalaman ko kung makakprerog ako sa Bio 11 o kung sa Abril ko pa ito makukuha.
Sa loob ng tatlong araw, malalaman ko kung tanggap ako sa EEE10 at kung makakaenrol na ako
Sa loob ng 6 na araw, malalaman ko kung matatanggap ako sa Bio 1 at maabot ang 20 units na kinakailangan ko ngayong semestre.
Sa loob ng buwang ito, malalaman ko kung magkakautang ako ng 50,000 sa gobyerno o makakatanggap ng buwanang allowance mula sa kanila.
Sa loob ng 62 na araw, malalaman ko kung ako ba ay matutuwa o luluha.
Sa loob ng aking isipan, may nga tanong na bumabagabag.
Sa loob ng aking puso, may Diyos na nagsasabing, ‘Huwag ka mag-alala anak, dahil kasama mo ako tungo sa hinaharap."

"If you are disciplined, you can find time to do what’s important" -Dr. Isabelo Magalit

One Response to “Ano ang laman ng hinaharap? (sa loob)”

  1. Charlie May-an Says:

    ..kapatid..
    ..ang cool naman ng mensahe..
    ..ng inyong blog..
    ..galing talaga..
    ..salamat talga sa panginoon..
    ..napakabuti niya sa atin..
    ..ingat kayo lagi..

Leave a Reply