Productivity: What happens when you can’t sleep kahit na antok ka na…
Technically, puyat ako. Matakin nyo, alas-otso pa lang ng gabi, humihikab na! Pero for some weird reason, di ako makatulog. Every 20 minutes, tumutunog yung phone ko, iba’t ibang nilalang ang nagtetext. Kaya hayun, bumangon na lang ako upang ipag-pray ang mga tao at bansa (1).
And then, naalala ko yung advice na narinig ko na sa dalawang tao pero di ko naman sinusubukan: uminom ng gatas para antukin. Pagbaba ko sa kusina, sabay sa pagtimpla ng Nido ang pag-init ng hotcake at bunot ng saging. Wala rin, wa epek ang gatas. Kaya ayun nag-hugas na lang ako ng pinggan (2).
Magsisipilyo na sana ako, nang mapansin kong libre na itong PC, kaya’t binuksan ko’t ginamit upang mag surf at ilipat ang mga litratong 6 months nang naka-binbin sa "for printing" na folder (3). Ayun, 11:54 na ngayon. Siguro, susulitin ko na rin lang, magtatype na rin ako ng paper para sa HE 101 (4). O, diba, andaming nagagawa pag di makatulog.
"An idle mind is the devil’s workshop" ika nga… (tama ba?)
October 13th, 2006 at 10:50 pm
hi benjie! workplace yata?hehhe