Gaano karami ang pwede mangyari sa isang linggo?

Di ko akalain na maraming maaring mangyari sa isang linggo.  Tulad ng  pamagat ng blog na ito, mga bagay na nagbibigay ng pagkakataon, at nagdadala ng pagbabago:

Ang Maganda:
*Natuto mag-ice skate
*Nakapunta sa MOA
*Naipasa ang lahat ng paksang (subjects ba…) kinuha’ sa UP
* Maaring makakuha ng pinaka mataas na GWA sa loob ng 7 semsetre sa Unibersidad
*Natutong gumamit ng paper cutter at laminator para gumawa ng mga I.D.
* Nakitang muli ang mga ka-mataas na paaralan.
* MAs nakilala ang mga tao sa paligid.

Ang Mabuti:
* Nakatulong sa 3 tao na umalis sa kanilang mga dorm…
* Nakapagpasa ng papel ng ibang tao…
* Nakatulong sa mga tao sa iba’t ibang paraan nang hindi umaangal
//masaya ang maka-tulong sa iba//

Ang Di masaya:
* Nagtamo ng maraming sugat at pasa dahil sa sapatos na pang-skate na nangangailangan ng mahaba’t makapal na medyas.
* Nawalan ng isang kaibigan nang biglaan…

Ang Mahalaga:
*Papurihan at pasalamatan ang Diyos sa lahat ng nangyari, mga natutunan at  mga pagbabago. Siya laman ang may kaalaman kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay

//ito na siguro ang aing huling ‘post’ sa loob ng dalawang linggo, nasa calamba ako mula bukas hanggang 31, at sa palawan anman ng nob. 1 hanggang 5. Kung maraming maaring maganap sa loob ng isang linggo, paano pa kaya sa dalawa? hmm…//

Aral para sa araw na ito:
"Di mo pwedeng tawirin ang kalahating tulay…"

One Response to “Gaano karami ang pwede mangyari sa isang linggo?”

  1. Mergebelle Says:

    thanks so much benj!!!

    -merj *ang tinulungan ni benj na maghakot ng gamit mula yakal to knl, hehe*

Leave a Reply