Lagare
"Lagare", yan yung na
rinig kong tugon sa isang counselor noong nasa Faculty Partnership Program consultation ako ng IVCF (09/16/06). May nagtanong kasi sa kanya kung saan pa sya pupunta sa araw na iyon.
Bigla ko tuloy naisip, "lagare", yun ang magiging schedule ko sa buong linggo. Para paikliin ang kwento, sa loob ng walong araw, ang average sleeping time ko ay 2am, at ang gising naman ay 6am. Sa bawa’t araw ako’y matatagpuan sa iba’t ibang sulok ng Quezon City, umaakyat ng pader, sumasayaw, o di kaya nama’y nag hahanda para sa iba’t ibang bagay.
Umuuwi ako sa bahay ng gabi, kadalasan mga 12 ng hatinggabi nas kalye pa ko, nag-aantay ng masasakyan pauwi. Average walk? mga 8km siguro kada araw. Eto yung panahon na sa sobrang busy eh walang free time sa schedule ko, iisa lang ang pwedeng i-adjust: tulog. Iisa lang ang pwedeng adjustment dito: bawas. Haay…
Ano nga bang point ng entry na ito kung wala namang matututunan? Well, the only positive thing na nakuha ko dyan was from saturday to wednesday, constant ang Quietime ko every morning, meaningful pa. Pero nung THURSDAY, kinumbinsi ko ang sarili ko na kelangan ko matulog, kaya’t imbis na mag-Quiet time ako, lumiban ako sa pagpasok sa HE 101 (kung saan ako ay perfect attendance, at may paper akong dapat ipasa nung araw na yun) sinubukan kong matulog….
Lo and behold, di ako pinatulog ni LORD, so nag-QT ako after more than 2 hours na naka higa at pagulong-gulong sa kama. Not only that, pag gising ko, mas pagod ap ko kesa before I slept. Lesson: Huwag umasa sa tulog. Ang Diyos ang nagbibigay ng kalakasan. Huwag masyadong isipin ang sarili, matutong mag-hintay at mag-tiis. Pumasok sa klase nang hindi mapahamak.(In connection to the title, mas mahirap mag lagare pag tumigil ka habang nasa gitna, di ka pwede magpahing hangga’t naputol na ang kahoy sa dalawa…)
Natapos din ang isang linggo ng lagare. Kagabi, natulog ako ng hindi kelangang alalahanin ang alarm clock. Bagama’t putol-puto ang tulog ko, mga 9 hours din akong nakapikit ng walang malay. Siguro 2 months na mula nung huli ko maranasan ang mahaba-habang tulog.
I hpoe walang madadapa sa post na ito….
Quote of the Day:
Dad: The world isn’t fair, Calvin.
Calvin: I know, but why isn’t it ever unfair in my favor?
The Essential Calvin and Hobbes, p82-1
September 25th, 2006 at 5:00 am
wow kuya, profound!